Appointment papers ng mga bagong kalihim ng DOTr at PCO hawak na ng Commission on Appointments

Natanggap na ng Commission on Appointments (CA) ang mga dokumento kaugnay sa pagkakatalaga kina Department of Transportation (DOTr) Secretary Vivencio “Vince” Dizon at Presidential Communications Office (PCO) Secretary Jaybee Ruiz.

Inihayag ito ni CA Assistant Minority Leader at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel.

Pero ayon kay Pimentel, sa pagbabalik pa ng Session simula sa June 2 maaring maisalang sa confirmation hearing sina Dizon at Ruiz at ang iba pang bagong itinalaga ng Pangulo.


Itinatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Dizon para pamunuan ang DOTr noong February 21 habang si Ruiz naman ay nagsimulang manungkulan bilang PCO head noong February 24.

Binanggit ni Pimentel na bukod kina Dizon at Ruiz ay hawak na rin ng CA ang mga appointment papers ng apat na bagong Constitutional Commissioners na sina Noli Nipo at Maria Norina Tangaro-Casingal para sa Commission on Elections gayundin si Luis Meinrado Pañgulayan para sa Civil Service Commission (CSC) at Douglas Michael Mallillin sa Commission on Audit (COA).

Facebook Comments