APPROVED | Rayver Cruz, pasado kay Lotlot De Leon

158

Manila, Philippines – Walang nakikitang problema ang aktres na si Lotlot De Leon kung sakaling makatuluyan ng kaniyang anak na si Janine Gutierrez ang aktor na si Rayver Cruz.

Ayon kay Lotlot, ang importante daw ay masaya ang kaniyang anak at maayos ang pagtrato sa kaniya ni Rayver.

Hindi naman idinetalye ng aktres kung mag-on na nga ba sina Janine at Rayver saka sinabing hayaan na daw ang mga ito na magsalita sa publiko.

Hindi na din daw ikinagulat ni Lotlot nang makita ang instagram post ni Rayver, kung saan kalakip ng birthday message nito para kay Janine ay ang larawan nilang magkayakap nang mahigpit.

Pinayuhan naman niya ang anak na magtira ng kahit konting privacy sa personal life nito.

Facebook Comments