APRUBADO | Automatic PhilHealth coverage sa mga PWDs, lusot na

86

Manila, Philippines – Pasado na sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8014 o ang otomatikong coverage sa PhilHealth para sa mga may kapansanan.

Sa sponsorship ni Ako Bicol Representative Rodel Batocabe, iginiit nito na panahon na para mabigyan ng ganitong benepisyo ang mga Persons With Disability o PWDs.

Sa ilalim ng panukala, makakatanggap ng kaparehong benepisyo sa mga senior citizens ang mga kababayang may kapansanan.

Wala ding babayaran ang PWD sa pagiging miyembro ng PhilHealth.

Popondohan sa ilalim ng national health insurance fund ang pangtustos ng PhilHealth sa pagpapagamot ng mga PWDs.

Facebook Comments