Archbishop Oscar Cruz, pumanaw na

305

Sumakabilang buhay na si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz.

Sa official Twitter account ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na @CBCPNEWS, inanunsyo nito ang pagpanaw ni Archbishop Cruz sa edad na 85.


Kinumpirma rin ni CBCP Executive Secretary Father Jerome Secillano ang pagpanaw ng Arsobispo.

Nasawi ang Arsobispo kaninang alas-6:45 ng umaga sa Cardinal Santos Hospital dahil sa matagal nang karamdaman.

Si Archbishop Cruz ay dating Arsobispo ng Lingayen, Dagupan at naging kontrobersyal sa kanyang mga opinyon sa mga isyung pambayan partikular na sa isyu ng jueteng.

Facebook Comments