Tinawag na kasalanan sa katotohanan at hustisya ni Archdiocese of Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang patuloy na pagkaantala ng impeachment process ni Vice President Sara Duterte.
Sa mensahe ni Villegas online, inihayag nito ang pakikiisa sa sentimyento ng ilang Pilipino sa pagbabahagi ng ilang bersikulo sa bibliya na tumatalakay sa pananaw ng katotohanan tungo sa hustisya upang mapangalagaan ang ikabubuti ng marami.
Giit nito, kasalanan umano ang pagtatago o pag-antala sa proseso ng katotohanan sapagkat may Karapatan umano ang bansa ayon sa mga batas at ebidensya maging ang pagpigil sa pagdinig bago pa ang naantalang pagsisimula ng impeachment ay tinawag niyang ‘sinfully wrong’.
Hinimok ni Villegas ang Senado na simulan at ipagpatuloy ang pagbibigay hatol sa kaso bilang obligasyon sa Konstitusyon ng bansa dahil nararapat para sa mga Pilipino ang mas Mabuti kaysa sa mga naturang opisyal.
Sa huli, hiling ng arsobispo ang hindi paglimot sa Maykapal upang tuluyang makalaya sa anumang negatibo kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments