ARCHDIOCESE OF LINGAYEN-DAGUPAN, NAGLULUKSA SA PAGPANAW NI POPE FRANCIS

Naglabas ng mensahe ang Archdiocese of Lingayen-Dagupan sa pagpanaw ni Pope Francis kahapon matapos mamatay dahil sa stroke at irreversible cardiovascular arrest.

Inalala ni Archbishop Socrates Villegas, ang mga naging personal na karanasan nito kasama ang Santo Papa maging ang malaking epekto na naidulot nito sa Pilipinas.

Taong 2015 nang bumisita si Lolo Kiko sa Pilipinas, inihayag nito ang pakiramdam ng pagmamahal ng Diyos sa mga Filipino. Siya umano ay nagpakita ng representasyon ng mga katangian ni Hesukristo sa kanyang mga ginawa sa bansa.

Dagdag pa niya, ang bilin sa kaniya nang siya ay tumayo at lumaban ukol sa mga naging kaso ng Extrajudicial killings sa bansa.

Tinawag din Niya na “Jesus of Our age” ang pumanaw na Santo Papa at inihalintulad Kay Santa Teresita ng batang hesus na ayon sa paniniwala ay patuloy na gumagawa ng kabutihan.

Kahapon, nakiisa ang simbahang katoliko sa lalawigan sa pagpapatunog ng kampana bilang bahagi ng tradisyon na hudyat ng pagpanaw ng Santo Papa.

Namatay si Pope Francis sa edad na 88. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments