ARESTADO│Lalaki, nanaksak gamit ang basag na bote

Manila, Philippines – Arestado ang isang 34 anyos na lalaking lasing makaraang sasakin ng boteng basag ang isang taxi driver sa Quezon City.

Nakakulong na ang suspek na kinilalang si Alvin Macapagat residente ng Brgy. Baesa ng nabanggit na lungsod.

Batay sa paunang imbestigasyon ng QCPD station 3 na kabababa lang mula sa kanyang minamanehong taxi ang biktimang si Romel Loberiza sa may number 57 Mendez Road Brgy. Baesa ng lapitan ng suspek at nanghingi ng pera.


Tumanggi ang biktima dahilan para magalit ang suspek at sinaksak ang biktima at pinagbalingan pa ang taxi nito.
Agad na nagsumbong ang biktima sa mga pulis na nagsagawa ng follow up operation at nadakip ang suspek.

Facebook Comments