ARESTADO | 4, huli dahil sa pagsusugal sa Caloocan

Caloocan City – Sa kulungan ang bagsak ng 4 na katao matapos mahuling nagsusugal sa Barangay 176 Bagong Silang Caloocan City.

Kinilala ang mga suspek na sina:
Jundel Marcelino, 30-anyos
Fernando Prado, 34-anyos
Ryan Carcillar, 25-anyos
Gerry Catalo, 22-anyos

Ayon kay PO1 Ferdinand Lupog Jr, nagpapatrolya sila ng madaanan ang mga suspek na naglalaro ng cara y cruz.


Akmang tatakas pa ang mga suspek pero dahil nabigla sa pagdating ng pulis, hindi na rin sila nakapalag.

Bukod sa 3 barya na pangara, panayang pera na 140 pesos, nakuha din ng mga otoridad ang 4 na pakete ng pinaniniwalaang shabu.

PD 1602 at paglabag sa Dangerous Drugs Act, ang isasampang kaso laban sa mga arestadong suspek.

Facebook Comments