ARESTADO | 62-anyos na lola, huli sa pagbebenta ng iligal na droga sa QC

22

Quezon City – Arestado ang isang 62-anyos na lola matapos magbenta ng shabu sa isang pulis sa Barangay Payatas, Quezon City.

Nakilala ang nadakip na suspek na si Delia Mata kung saan sa mismong bahay nito isinasagawa ang transaksyon.

Nang maiabot ang mark money na P200.00, agad na inaresto ng tauhan ng QCPD Station 6 ang suspek.

Inabutan din na gumagamit ng shabu sa loob ng bahay ang anak nito na si Rolly Mata, asawa na si Bernadeth Garchitorena at iba pang parokyano ng suspek na sina Joel Lauta, Joel Hernandez, Jerry Paderagao at Lyka Jeane Dela Cruz.

Nakumpiska din ng mga pulis ang 17 pakete ng shabu at mga drug paraphernalia.

Facebook Comments