ARESTADO | 8, nahulihan ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Taguig City

17

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Southern Police District Taguig City Police Station ang walong katao matapos na mahulihan ng shabu sa magkakahilay na lugar sa Taguig City.

Ayon kay Intelligence Section ng Taguig Police Chief Inspector Jonathan Mangohan, sa loob lamang ng anim na oras ng kanilang isinagawang anti criminality law enforcement operations ay walong personalidad agad ang kanilang naaresto at nakakumpiska sila ng 9 na sachets ng pinaghihinalaang shabu.

Naaresto ang mga suspek sa Brgy. South Daang Hari, Brgy. Bagumbayan, Brgy. South at Brgy. Daang Hari, Taguig City.

Nakilala ang mga naaresto na sina Adelon Laudenio 31 anyos, Randy 29 anyos Jimmy Balasangay 28 anyos, Sonny Bernardo, Samuel Sahol, Rommel Ipil 26 anyos, Joel Fernandez 40 anyos at , Ricardo Gruyal 37 anyos

Narekober sa walong naaresto ang siyam na plastic na sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Paglabag sa RA 9165 ang kasong isinampa ng Taguig Police laban sa mga suspek.

Facebook Comments