ARESTADO | Babae, huli sa tangkang pagpuslit ng droga sa selda

15

Quezon City – Kalaboso ang isang babae matapos tangkaing magpuslit ng shabu sa Talipapa Police Station sa Quezon City.

Dadalaw lang sa piitan ang suspek na si Joan Tado nang mahulihan ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Isiningit ang kontrabando sa isang shorts na ibibigay sana sa dadalawing preso pero nabisto ito ng mga pulis nang inspeksyunin ang mga gamit ni Tado.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act si Tado.

Babala ng mga awtoridad, huwag nang magtangkang magpuslit ng mga kontrabando sa kulungan dahil tiyak na dadaan sa mahigpit na inspeksyon ang mga dadalaw.

Facebook Comments