ARESTADO | Dalawa, timbog sa buy-bust operation sa Navotas

23

Navotas City – Timbog ang dalawang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay San Roque Navotas City.

Kinilala ang mga suspek na sina Rasty Torres at Alvin Cabangis.

Ayon sa Navotas Police, nakabili ang kanilang operatiba ng 100 pesos na halaga ng shabu.

Dito na inaresto ang mga suspek kung saan nakuha pa sa bulsa ng mga ito ang limang pakete ng shabu.

Aminado naman sila na nagawang magbenta ng droga dahil malaki daw ang kita dito.

Facebook Comments