ARESTADO | Isang konduktor ng bus, kalaboso matapos manundot ng dibdib ng babaeng pasahero

Manila, Philippines – Dahil sa hindi nakapagpigil, kalaboso ang isang 43-anyos na konduktor ng bus matapos sundutin ang dibdib ng isang babaeng pasahero sa Kamuning, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Edrix Soco, konduktor ng Yohance Express Inc. at residente ng Barangay Bagumbong, Caloocan City.

Bigla na lamang sinundot ng konduktor ang kanang dibdib ng 25-anyos na biktima habang sakay ito ng bus at nang mag-reklamo ang dalaga ay ipinahiya at pinagmumura pa siya ng suspek.


Dahil dito, nagpababa ang biktima sa tapat ng Kamuning Pulis station saka inireklamo ang suspek kung saan nakatakbo pa ang bus pero hinabol ito ng mga otoridad.

Nang maabutan, agad na hinuli ang konduktor pero depensa nito na masikip sa loob ng bus at wala daw siyang masamang intensyon.

Facebook Comments