ARESTADO | Isang miyembro ng grupong nagpapanggap na ahente ng PDEA, timbog

34

Cainta, Rizal – Arestado ang isang miyembro ng grupong nagpapanggap na ahente ng PDEA nangingikil sa kanilang mga biktima. Kinilala ang naaresto na si Jai Sunshine Chua na nasakote sa isang operasyon ng NBI sa Cainta, Rizal. Kasama ang suspek sa grupo ng sampung tao na dumukot sa isang lalaki sa Ususan, Taguig City noong February 4. Nagpanggap silang mga ahente ng PDEA na nakauniporme at may dalang mga armas kung saan hiningan nila ng P50,000 ang asawa ng biktima. Kapag walang naiabot sa kanila na pera ay tataniman ang biktima ng iligal na droga. Napag-alaman naman na walang koneksyon sa PDEA ang mga suspek kaya at patuloy na tinutugis ang iba pang myembro ng grupo na nago-operate sa Taguig City at Rizal.

Facebook Comments