ARESTADO | Lalaki, huli matapos tangayin ang bag ng isang negosyante

10

Mandaluyong City – Kalaboso ang isang lalaki matapos tangayin ang bag ng isang negosyante sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Kinilala ang 27-anyos na suspek na si Michael Sanchez at residente ng Molave Street Block 22 Welfareville Compound ng nasabing barangay.

Ayon sa biktimang si alyas Roland, pasimpleng pumasok ang suspek sa kaniyang vulcanizing shop at tinangay ang kaniyang sling bag na naglalaman ng P100,000 cash at cellphone na nagkakahalaga ng P5,000.

Dahil dito, nahaharap ang suspek sa kasong robbery.

Facebook Comments