ARESTADO | Libu-libong halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa General Santos City

General Santos City – Arestado ang tatlong tao matapos na tangkain ipuslit ang nasa mahigit P600,000 halaga ng smuggled na sigarilyo mula sa Indonesia.

Kinilala ang mga nadakip na sina Ellio Adelbert Alamia, Nader Malik Tanjing, at ang Indonesian national na si Roger Segismel Malik Tanjingna.

Naharang ang tatlo habang sakay ng isang yellow na bangka na karga ang naturang mga smuggled na sigarilyo sa Barangay Labangal, General Santos City.


Sa ngayon, isinailalim na sa imbestigasyon ang mga suspek habang ang mga nakumpiska namang smuggled na sigarilyo ay nakatakdang i-turn over sa Bureau of Customs (BOC).

Facebook Comments