ARESTADO | Limang illegal recruiter, huli ng PNP-CIDG

48

Arestado ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang limang illegal recruiter sa kanilang isinagawang magkakahiwalay na entrapment operation sa Bacoor City at Quezon City.

Unang nadakip sa entrapment operation sina Lio Eireen Labrador, Alexis Gleen, Emas Lorybel Nismal at Rachelle Nisperos.

Naaresto ang mga ito sa Bacoor City makaraang tanggapin ang 50,000 pesos boodle money mula sa mga complainants na pinangakuan ng trabaho sa Japan bilang magsasaka at welder.

Modus ng grupo ang nihonggo language tutorial kung saan hinihikayat nila ang mga biktima na mag-enroll sa kanilang eskwelahan at may pangakong trabaho sa Japan.

Samantala, nadakip din ang isang pang illegal recruiter na nakilalang si Lanie Barroga Ventura tubong Pangasinan.

Nasakote ito makaraang tanggapin ang p35,000 marked money mula sa complainant na pinangakuan nya ng trabaho sa New Zealand at Macau.

Facebook Comments