ARESTADO | Limang miyembro ng BIFF, timbog sa Maguindanao

19

Maguindanao – Arestado ang limang myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.

Nakilala ang mga suspek na sina kumander Sindatoc Dilna, sub-commander ni kumander Ganny Saligan ng BIFF at apat nitong mga tauhan.

Sa ulat, pinasok ng Philippine Army ang kuta ni Dilna kasama sa Barangay Tual Paglat Maguindanao kung saan nasorpresa ang mga terorista kaya hindi nakapalag ang mga ito nang biglang dumating ang raiding team.

Narekober ng pulisya at militar sa bahay ni Dilna ang isang ar-18 m16 armalite rifle, dalawang kalibre.45 na pistola at mga bala.

Facebook Comments