ARESTADO | Mandurukot, arestado matapos na dukutan ang isang pilotong dayuhan sa Makati City

Makati – Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Southern Police District matapos na maaresto ng guardia ang isang kilabot na mandurukot nang tangayin nito ang wallet ng isang Denmark National sa Barangay San Lorenzo Makati City.

Nakilala ang suspek na si Arjay Valdez 33 anyos isang Gay Residente ng # 87 Lim-Ang Harrison Street Pasay City matapos na dukutan nito ang biktimang si Holm Steffenson, isang Denmark na piloto National, 40, anyos Pilot and presently staying at Unit 1719 17th/F Holiday-Inn Makati, Ayala Center, Brgy. San Lorenzo, Makati City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya nakilala umano ng dayuhang piloto ang isang binabae o gay sa harapan ng Link Building located along Parkway Drive, Ayala Center, Brgy. San Lorenzo, Makati City.


Pero hindi napansin ng biktima na nalaglag ang kanyang wallet na pinulot ng suspek sa Burgos Street Barangay Poblacion natuklasan nalamang nito nang magbabayad na siya ng pamasahe sa sinakyan nitong taxi na wala na ang kanyang 12 libong pisong Cash.

Nahuli si Valdez ng guardiang si Barce at itinurn over na Makati Police Station.

Facebook Comments