ARESTADO | Mastermind sa pagpatay sa isang OFW sa Lipa, Batangas, naaresto na

Lipa, Batangas – Nadakip na nang mga tauhan ng CALABARZON PNP ang mga suspek sa pagpatay sa isang Overseas Filipino Workers sa Lipa, Batangas.

Ayon kay CALABARZON Regional Director Police Chief Supt. Guillermo Eleazar at batay imbestigasyon, lumalabas na mismong asawa nang nasawing OFW na si Danilo Henson Teruel ang mastermind sa pagkamatay nito.

Kasabwat ng suspek ang kanyang umano ay lover na kinilalang si Roel Dinglasan Guico


Sa Imbestigasyon ng pulisya at batay sa mga pahayag ng testigo ilang araw bago dumating sa bansa ang biktimang ofw ay ilang beses nilang nakitang kausap ni Roel Guico ang gunman.

Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang sila ay arestuhin na ngayon sasampahan na ng kasong murder o pagpatay.

Nagpapatuloy naman ang operasyon ny Pulisya upang maaresto ang gunman.

Matatandaang noong May 19,2018 nang gabi nang pagbabarilin ng suspek ang biktima pagdating nito sa kanyang bahay sa Brgy. Pinagkawitan, Lipa City mula sa ibang bansa.

Naisugod pa ito sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Facebook Comments