ARESTADO | Menor de edad, huli matapos magtangkang magpasok ng marijuana sa Manila North Cemetery

Manila, Philippines – Dinala sa prerinto ang 16-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng marijuana sa Manila North Cemetery kaninang madaling araw.

Ayon kay NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar, alas kwatro kanina ng madaling araw, nahulog ang nasabing bawal na gamot habang kinakapkapan ang menor de edad sa entrance ng sementeryo.

Sa ngayon nasa advance command post ng PNP ang nasabing suspek pero itu-turn over siya mamaya sa DSWD.


Kakasuhan pa rin ang 16-anyos na lalaki ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Samantala, nakuhanan ng exclusive video ng RMN Manila ang nasabing suspek sa advance command post maging ang mga nakumpiskang droga.

Facebook Comments