ARESTADO | Milyong pisong halaga ng shabu, nasabat ng NPD

12

Manila, Philippines – Nakumpiska ng Northern Police District (NPD) ang sandamakmak na gramo ng iligal na droga sa magkasunod na operasyon sa Caloocan City at Bulacan.

Target ng operasyon ang isang alyas Chengwa sa Barangay 12 Caloocan City at nang maaresto ito ay agad nagkasa ng follow-up operation ang mga otoridad kaya at natunton ang supplier nito sa Barangay Pagala, Baliuag, Bulacan.

Dito na naaresto si alyas Lemar at limang iba pa kung saan nakuha ang pitong plastic ng shabu na nasa walong kilo at nagkakahalaga ng dalawampung milyong piso.

Nakuha din suspek ang dalawang plastic ng marijuana na aabot sa dalawang kilo at iba’t-ibang uri ng armas.

Facebook Comments