ARESTADO | Pedicab driver huli sa ilegal na droga sa Maynila

24

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang tricycle driver matapos mahulihan ng shabu ng mga tauhan ng Manila Police District Sampaloc Police Station Police Station 4 ng magsagawa ng anti-criminality operation sa Buenos Aires Street, malapit sa PNR railroad tracks, Sampaloc, Barangay 579 Zone 56, Manila.

Nakilala ang suspek na si Ryan Vasquez 33-anyos pedicab driver at residente ng 607 Bagong Bayan, Sta. Mesa, Manila.

Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Carlo Manuel nakatayo lamang ang suspek sa gilid ng kalye sa Buenos Aires malapit sa PNR railroad tracks kung saan talamak umano ang bentahan ng illegal drugs sa naturang lugar.

Paliwanag ni Manuel nagsagawa ng anti-criminality operation ang operatiba ng MPD ng maispatan ang suspek sa naturang lugar at nakuhanan ng maliit na plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong ang isinampa laban sa suspek.

Facebook Comments