ARESTADO | Tricycle driver, huli sa iligal na droga sa Maynila

32

Manila, Philippines – Sa kulungan ang bagsak ng isang tricycle driver matapos mahulihan ng iligal na droga sa Quezon Boulevard, Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang suspek na si Roberto Diosay, 42-anyos na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Nagsasagawa ng anti-criminality campaign ang mga pulis ng matyempuhan ang suspek kung saan may hawak itong isang pakete ng shabu.

Aminado naman ang suspek na sa kaniya ang shabu pero itinanggi nito na nagbebenta siya ng iligal na droga.

Facebook Comments