Arjo Atayde, iginiit na hindi siya ang dahilan ng pagbuwag ng “AlDub”

132

Mariing iginiit ng aktor na si Arjo Atayde na hindi siya ang dahilan kung bakit nabuwag ang love team na “AlDub” o Alden Richards at Maine Mendoza na kilala rin sa tawag na “Yaya Dub”.

Sabi ng aktor – na sobrang masayang-masaya siya sa piling ni Maine at iyon ang importante sa ngayon.

“Deadma” na lamang ang aktor sa mga paninisi ng mga “AlDub” fans sa kanya matapos umamin silang dalawa na exclusively dating na sila.

Dagdag pa ni Arjo – na kuntento na siya sa kanyang career, pamilya at love life dahil “worth fighting for” si “Yaya Dub”.

Facebook Comments