Arjo Atayde, inaming life-changing ang pakikipag-relasyon kay Maine Mendoza

Life-changing.

Ganito inilarawan ng award-winning actor na si Arjo Atayde ang kanyang relasyon sa actress/TV host na si Maine Mendoza.

Ayon kay Arjo, malaki ang naging ambag ni Maine sa mga magandang pagbabago sa kanyang buhay.


Biro pa ng aktor, akala niya noon ay aabutin ng 10 taon bago niya maabot ang kanyang maturity goals pero bumilis daw ang lahat ng ito dahil sa kanyang girlfriend.

Sa ngayon, natitiyak ng aktor na alam na niya ang gusto niyang mangyari sa kanyang buhay at kung sino ang nais niyang makasama habangbuhay.

Facebook Comments