Armas ng Komunistang Grupo, Nadiskubre sa Mt. Province

Cauayan City, Isabela- Nadiskubre ng mga awtoridad ang ilang armas ng Communist Terrorist Group (CTG) kahapon sa Barangay Gueday, Besao, Mountain Province.

Kasunod ito ng inilunsad na operasyon ng pwersa ng Besao Municipal Police Station kasama ang 69IB, 7th ID ng Philippine Army na nagresulta sa mga tagong armas sa lugar.

Ilan sa mga armas na nadiskubre ay kinabibilangan ng isang (1) Elisco M16 A1 rifle; isang (1) 2.3kgs command-detonated explosives; apat (4) na 1-kilogram command-detonated explosives; 100m electrical wire; dalawang (2) Motorola radios; isang (1) i-com radio with charger; isang cellphone at isang electrical digital tester.


Ipinasakamay na sa 69th IB na nakabase sa Nambukayan, Ilocos Norte ang mga nadiskubreng armas para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments