ARMAS NG MAKAKALIWANG GRUPO, NAREKOBER SA BAYAN NG JONES

CAUAYAN CITY — Matagumpay na narekober ng 86th Infantry (Highlander) Battalion ng 502nd Infantry Brigade, katuwang ang Philippine National Police (PNP), ang mga armas ng makakaliwang grupo sa Barangay Dumawing, Jones, Isabela.

Kabilang sa mga narekober ay isang (1) M16A1 rifle, tatlong (3) magazines, at 38 rounds ng 5.56mm ammunition na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng nabuwag na grupong Platoon Uno, Regional Sentro De Gravidad (RSDG), Komiteng Rehiyon–Cagayan Valley (KR–CV) ng New People’s Army (NPA).

Ayon sa ulat, naging matagumpay ang operasyon sa tulong ng isang dating contact ng NPA na nagbigay ng mahalagang impormasyon.


Matatandaang idineklara nang insurgency-free ang bayan ng Jones noong Disyembre 4, 2023, at kinilala bilang may Stable Internal Peace and Security (SIPS) status.

Pinuri naman ni Lieutenant Colonel Empizo W. Angalao, Commanding Officer ng 86IB, ang dedikasyon ng Highlander Troopers, PNP, at iba pang law enforcement agencies. Tiniyak din niya ang kanilang patuloy na komitment sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Facebook Comments