Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Eduardo Año, uupo na bilang kalihim ng DILG sa susunod na buwan

61

Manila, Philippines – Uupo na bilang bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Eduardo Año sa susunod na buwan.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenza na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na isagawa ang turnover ceremony sa AFP sa June 2.

Aniya, hiniling niya kay Duterte na palawigin pa ang serbisyo ni Año sa militar pero hindi ito pinagbigyan ng Pangulo.

Si Año ay nakatakdang magretiro sa AFP sa Oktubre, ngunit napaaga ito.

Binati naman ni Lorenzana si Año sa kanyang pamumuno sa hukbo.

Samantala, maugong naman ang balitang si LT. Gen. Eduardo Guerrero ng Eastern Mindanao Command ang posibleng pumalit sa pwestong iiwan ni Año.
DZXL558

Facebook Comments