Armida Siguion-Reyna, pumanaw na

162

Manila, Philippines – Pumanaw na ang beteranang aktres, singer at TV/film producer na si Armida Siguion-Reyna sa edad na 88.

Ayon sa kanyang kapatid na si Irma Potenciano, binawian ng buhay si Armida sa Makati Medical Center dahil sa komplikasyon sa sakit na cancer.


Bukod sa pagiging producer at TV show host, nanungkulan din si Armida bilang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Nakilala rin siya sa “Aawitan Kita” na kinikilalang isa sa mga longest-running musical shows sa telebisyon na tumagal ng mahigit tatlong dekada.

Facebook Comments

From Advertisers