Arnel De Jesus, nananatiling PhilHealth OIC habang hinihintay ang confirmation ni Dante Gierran

41

Nananatiling pinangagasiwaan ni Executive Vice President and Chief Operating Officer Arnel De Jesus ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).


Sa ngayon, nakabinbin ang confirmation bilang bagong pinuno ng ahensya si dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran.

Ayon kay PhilHealth Spokesperson Rey Baleña, si De Jesus ang pansamantalang mamumuno sa ahensya habang nahaharap siya sa reklamo dahil sa pagkakadawit sa korapsyon.

Batay sa Universal Healthcare Act, ang PhilHealth Chief ay dapat napili ng Pangulo mula sa non-ex officio members ng PhilHealth board.

Si Gierran ay hindi non-ex officio member ng PhilHealth board nang italaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na pamunuan ang ahensya.

Facebook Comments