Arnolfo Teves Jr., pinangalanan na ng DOJ bilang isa sa masterminds sa Degamo killing

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla na isa si Congressman Arnolfo Teves Jr., sa ikinukonsiderang utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay Remulla, hindi bababa sa dalawa hanggang tatlo ang masterminds sa krimen at isa sa mga ito si Teves.

Kinumpirma rin ni Remulla na patuloy siyang nakakatanggap ng text messages mula kay Teves.


Gayunman, sinabi ni Remulla na lilinawin niya pa rin ito mula sa panel of prosecutors na may hawak sa kaso.

Gayunman, sa itinatakbo aniya ng imbestigasyon ay doon ang direksyon na tinutumbok.

Facebook Comments