Arroyo, may strong political will – PRRD

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa kanyang talumpati sa appreciation dinner ng mga miyembro ng 17th Congress para kay Arroyo, sinabi ng Pangulo na si Arroyo ay may strong political will.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, walang presidente sa kasaysayan ng Pilipinas ang makakapantay sa mga nagawa ni Arroyo noong siya pa ang pangulo mula 2001-2010.


Kinilala rin ng Pangulo ang paglatag ni Arroyo ng pundasyon para sa matatag na ekonomiya ng bansa sa ilalim ng kanyang termino na nararamdaman pa rin hanggang ngayon.

Nagbiro pa ang Pangulong Rodrigo Duterte na may pinatay siya dahil feeling niya nais ito ni Arroyo.

Umaasa ang Pangulo na ang legasiya ni Arroyo ay magsilbing inspirasyon sa milyu-milyong Pilipino.

Facebook Comments