Artistang si Dominic Roco at apat na kasamahan nito, timbog sa buy-bust operation sa Quezon City

711

Sa kulungan ang bagsak ng aktor na si Dominic Roco at apat na kasamahan nito matapos matiklo sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District – Station 14 Drug Enforcement Unit sa isang townhouse sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Target ng operasyon si Reynaldo Sanchez, isang high profile drug user, ngunit nagimbal ang mga awtoridad nang maaktuhang kasama ang aktor sa grupo.

Nakumpiska sa mga suspek ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P102,000 at 10 gramo ng umano’y marijuana na aabot sa P14,000 ang presyo.


Paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong isasampa kina Roco at apat pa nitong kasama.

Si Dominic Roco ang anak ng batikang aktor na si Bembol Roco.

Facebook Comments