Artistic Gymnast na si Carlos Yulo, gumawa ng Official Twitter Account

Gumawa na ng opisyal na Twitter Account ang Artistic Gymnast na si Carlos Yulo.

Ito’y matapos maglipana sa Twitter ang mga pekeng accounts gamit ang kanyang pangalan at mga litratong lumalabas sa Social Media Sites.

Panawagan ni Yulo, i-unfollow, i-report ang mga dummy accounts.


Ang Official Twitter Account ni Yulo ay @c_edrielzxs

Ito rin ang username niya sa kanyang Instagram.

Sa ngayon, mayroon nang halos 45,000 followers si Yulo sa kanyang Official Account.

Si Yulo ay nakapag-uwi ng dalawang Gold at dalawang Silver medals sa nagpapatuloy na 2019 Sea Games.

Facebook Comments