Arvin Balag, ipinaaaresto ni Senator Poe dahil sa ilang beses na pagtanggi na sumagot sa tanong ng mga Senador

Manila, Philippines – Ipinapakulong ni Senator Grace Poe ang presidente ng Aegis Juris Fraternity na si Arvin Balag matapos na ilang beses itong tumangging sumagot sa kanyang mga tanong.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, ilang beses tinanong ni poe si balag kung siya ba ay miyembro ng aegis juris fraternity.

Pero ilang beses din tumanggi si Balag na sumagot, kahit na ayon kay Poe ay kitang kita na miyembro nga ito ng fraternity.


Hindi rin sinagot ni balag si Poe nang tanungin siya kung siya ba ang presidente ng Aegis Juris.

Ito ay kahit inilabas pa ng senadora ang ilang dokumento kung saan makikita ang listahan ng mga miyembro ng Aegis Juris at makikitang si Balag nga ang presidente nito.

Bukid dito nagbabala rin si Senator Panfilo Lacson na ico-contempt ang iba pang resource persons na tatangging sumagot sa mga tanong ng senador.

Facebook Comments