Arwind Santos, pinagmumulta ng PBA

Pinagmumulta ng 200,000 pesos si San Miguel Beermen player Arwind Santos dahil sa hindi propesyonal na aksyon nito noong game 5 ng PBA finals.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial – walang lugar ang racial discrimination sa PBA at hindi nila pinapayagan ang mga katulad nito.

Aniya kapag naulit pa ang ganitong insidente ay mas mabigat na parusa ang kanilang ipapataw.


Humingi din ng tawad si Marcial sa pamilya ni Jones at sinabing bukas ang PBA sa lahat anumang lahi nito.

Bukod sa multa ay magkakaroon ng 100 hours community service si Santos at bibigyan siya ng counselling.

Matatandaang hindi agad humingi ng tawad ang SMB player at sinabing kasama lang umano ito sa mind games.

Facebook Comments