ASAHAN NA | PDP-Laban, magkakaroon ng re-organization

128

Manila, Philippines – Asahan na ang re-organization sa partidong PDP-Laban kasunod ng pagpapalit ng liderato ng Kamara at ng Senado.

Ito ang inihayag ni Davao City Representative Karlo Nograles, miyembro ng PDP-Laban, matapos palitan si Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez ni Pampanga Representative Gloria Arroyo.

Ayon kay Nograles, parehong miyembro ng PDP-Laban sina Arroyo at Alvarez kaya at sigurado nang magkakaroon ng re-organization sa partido.

Gayunman, sabi ni Senador Koko Pimentel, kailangan munang hintayin ang desisyon ng liderato ng partido dahil ikinagulat din nila ang pagpapalit ng House Speaker.

Mababatid na si Pangulong Rodrigo Duterte ang chairman ng PDP-Laban habang si Energy Secretary Alfonso Cusi naman ang Vice Chairman ng partido.

Matatandaang pinalitan rin ni Senator Tito Sotto si PDP-Laban President Senator Pimentel bilang Senate President.

Facebook Comments