Asawa ng NPA commander naaresto ng militar

721

Nahuli ng mga tauhan ng 71st Infantry Battalion ng Philippine Army ang isang babae na asawa ng isang New Peoples Army Commander matapos na magsumbong ang bagong kinakasama ng NPA commander.


Kinilala ang naarestong babae na si Merlyn Escasinas alyas Venus 35-anyos, asawa ng NPA commander na si Jury Escasinas alyas Jupiter at full time NPA member ng Weakened Guerilla Front 2.

Si alyas Jupiter ay commander ng milisya ng bayan cluster command ng WGF2 ng NPA.

Ayon kay 71st Infantry Battalion Spokesperson 2nd Lt. Kim Carlos, naaresto si alyas Venus sa Tagum City Davao del Norte matapos na magbigay ng impormasyon sa militar ang bagong kinakasama ng kanyang asawa na si Chang.

Si Chang ay una nang sumuko sa militar at nang mapagtanto na mali ang ipinaglalaban ng NPA at nakipagtulungan sa militar para maaresto si alyas Venus.

Bukod kay alyas Venus ay naaresto rin ng militar ang isang Melvin Parenas 44-anyos na may kasong obstruction of justice matapos tulungang makatakas ang kanyang kapatid ng magsagawa noon ng joint operation ang militar at pulisya.

Facebook Comments