Asawa ni Ex-Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog, umalma sa narcolist

423

Muling bumuwelta ang asawa ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog matapos mapasama ang dating mayor sa inilabas na ikalawang batch ng mga pangalan ng narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa asawa ni former Iloilo City Mayor Mabilog na si Ma. Victoria, kasinungalingan lamang umano ng chief executive ang lahat dahil walang maipakitang ebidensya ang gobyerno.

Aniya, hindi raw niya maintindihan kung bakit patuloy na idinadawit ang kanyang asawa sa listahan.

Makikita sa online post ni Ma. Victoria ang mga dokumento na nagpapatunay na minsan nang itinanghal bilang 3rd least drug infected city ang Iloilo sa ilalim ng termino ng kanyang asawa.

Nanawagan naman ang isang nasabing ginang sa pangulo na tigilan na ang kanilang pamilya.

Samantala, hinamon din ni Mrs. Mabilog si Pangulong Duterte na maglatag ng mga ebidensya at sampahan ng kaso ang kanyang asawa.

Facebook Comments