ASEAN LEADER’S GATHERING | Pangulong Duterte, nakauwi na

43

Nakauwi na ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang pagdalo sa ASEAN Leader’s Gathering sa Bali, Indonesia.

Sa kanyang arrival speech sa Davao International Airport, muling binigyang diin ang pagpaprayoridad ng Pilipinas sa inclusive growth, pagpapatatag ng economic environment at integration sa Asya.

Idinagdag din ng Pangulong Duterte ang pagpapahalaga ng matibay na ASEAN tungo sa kapayapaan at kaunlaran.

Sinabi rin ng Pangulong Duterte – na personal niyang ipinaabot kay Indonesian President Joko Widodo ang pakikiramay sa mga naging biktima ng lindol at tsunami sa kanilang bansa.

Handa ang Pilipinas na maghatid ng tulong sa Indonesia.

Tiniyak din ng Pangulo sa Indonesia ang magiging matatag na kaalyado nila ang Pilipinas.

Facebook Comments