ASEAN leaders, hinimok ni Pangulong Duterte na magtulungan para sa positibong pagbabago sa Asya

168

Manila, Philippines – Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ASEAN leader na dumalo sa World Economic Forum sa Cambodia na magtulungan para sa positibong pagbabago sa Asya.

Ayon kay Pangulong Duterte – mahalaga ang pagkakaisa para sa hinahangad na pag-unlad sa Asya.


Pero aminado ang Pangulo na may mga hamon lalo na sa kinabukasan ng mga kabataan gaya ng iligal na droga at trans-national crimes na nagiging banta rin sa pag-unlad.

Samakatuwid, kumpiyansa ang Pangulo na paninindigan ng sampung bansang miyembro ng ASEAN ang kanilang commitment na maging drug free community.
DZXL558

Facebook Comments