ASEAN Music Festival, kinansela!

35

Manila, Philippines – Kinansela ng ASEAN 2017 National Organizing Council ang libreng ASEAN Music Festival kagabi.

Sa pagsisimula kasi ng bandang Parokya ni Edgar, nagkatulakan at nagkagitgitan ang crowd dahilan para mahirapang huminga ang ilan sa mga ito.

Kapansin-pansin din na nasira ang mga barikada sa entrada ng concert venue dahil sa pagpupumilit ng mga tao na makapasok.

Bandang alas-9:00 ng gabi, nagdesisyon na ng mga organizer na kanselahin na ito para sa kaligtasan ng mga dumalo.

Nagbigay naman ng paunang-lunas ang Department of Health sa mga hinimatay at nahirapang huminga sa naturang event.

Facebook Comments