ASEAN Summit 2017, pormal nang nagtapos; ASEAN chairmanship, ipinasa na ni Pangulong Duterte sa Singapore na magiging host sa 2018

64

Manila, Philippines – Pormal nang nagtapos ang ASEAN Summit 2017 sa Pilipinas.

Ipinasa na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ASEAN chairmanship sa Singapore na magiging host sa 2018.

Bilang simbolo, ibinigay ni Duterte ang ceremonial gavel kay Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong.

Nangako naman si Loong ng buong suporta sa ASEAN para makamit ang mga adhikain ng ASEAN community.

Facebook Comments