ASEAN task force, walang namomonitor na untoward incident sa ikalawang araw na ASEAN summit sa bansa

24

Manila, Philippines – Wala pa ring namomonitor na anumang untoward incident ang ASEAN Task Force sa harap ng patuloy na pagpupulong ng mga ASEAN leaders sa ilang lugar dito sa Metro Manila.

Pero ayon kay Police Chief Supt Noel Baracerros ang Operation Officer ng ASEAN Task Force na kahit walang nagaganap na untoward incident sa Metro Manila hindi pa rin magpapakampante ang mga pulis at sundalong itinalagang magbantay.

Sa katunayan mas pina-igting pa nila ang pag iikot gamit ang kanilang mga patrol vehicles upang mahigpit na mabantayan pa rin ang mga ASEAN leaders at delegado na nasa bansa pa rin.

Kaugnay nito nagpasalamat rin si Barocerros sa suportang ibinibigay ng mga local chief executive katulad ng pagbibigay ng mga magagamit na sasakyan sa pagpapatrolya.

Ipu-pull-out ang mga idineploy na mga pulis na nagbabantay sa mga world leaders at iba pang delegado dalawang araw matapos na makabalik na lahat ng mga bisita sa kani-kanilang bansa.

Facebook Comments