ASIAN GAMES | Coach Guiao, gumagawa na ng game plan laban sa Kazakhstan

45

Manila, Philippines – Ngayon pa lamang ay pinag-aaralan na ni Coach Yeng Guiao ang style ng laro ng Kazakhstan na una nilang makakalaban sa men’s basketball tournament sa 2018 Asian Games.

Sa katunayan, gumagawa na rin si Guiao ng game plan para ipantapat sa style ng laro ng fourth seeded na Kazakh squad.

Puspusan na din ang ginagawang pagsasanay ng Philippine team para sa kanilang unang laro sa darating na Asiad na gaganapin sa Indonesia.

Sa darating na ika-16 ng Agosto, gaganapin ang una sa dalawang games ng national team habang sa ika-21 naman ang matchup nila kontra sa Powerhouse Team China.

Facebook Comments