ASIAN GAMES | Coach Guiao, ikinatuwa ang pagkakaroon ng chemistry ni Clarkson sa kapwa players nito

Ikinatuwa ni head coach Yeng Guiao ang pagkakaroon ng chemistry ni Fil-Am Jordan Clarkson sa mga ka-teammate nito sa national team.

Ayon kay Guiao, bagaman at karamihan sa mga players ng bansa ay first time na makakasama ni Clarkson, madali daw itong nakakapag-adjust partikular sa pag-set ng mga plays maging sa paglalaro ng depensa.

Nabatid kasi na sina Gabe Norwood at Asi Taulava lang ang minsan nakasama ni Clarkson sa paglalaro kaya at pina-familiarize daw nito ang mga skills ng ibang players.


Kumbinsido naman si Guiao na makukuha ni Clarkson ang 100 percent condition sa magiging laban nila bukas kontra sa malakas na team ng China.

Facebook Comments