ASIAN GAMES | Hidilyn Diaz, 50-50 maiuuwi ang gold medal dahil world champion din ang makakalaban

Aminado si Samahang Weighlifting Pilipinas President Monico Puentevella na 50-50 ang tiyansa ni Hidilyn Diaz na maibulsa ang gold medal sa Asian Games.

Nabatid kasi na isang world champion ang makakalaban ni Diaz — si Sopita Tanasan ng Thailand na siyang nakasungkit ng ginto sa 2016 Rio Olympics.

Gayunman, tiwala siya sa kakayahan ng Pinay weightlifter.


Nauna nang hindi pinalad ang isang pambato ng bansa sa weightlifting na si Nestor Colonia sa men’s 56-kilogram category na nagtapos lang sa 7th place.

Mamayang alas-6:00 ng gabi mag-uumpisa ang women’s 53-kilogram division na idaraos sa jakarta international expo.

Facebook Comments