ASIAN GAMES | Philippine Women’s Volleball Team, makakasagupa ang Thailand mamayang hapon

Indonesia – Makakasagupa ng Philippine Women’s Volleyball team ngayong hapon ang Thailand sa unang laban nila 18th Asian games.

Inaasahan na magiging matindi ang laban lalo’t itinuturing powerhouse ang kalaban .

Ayon Aby Maraño, team captain ng pambansang koponan – gagawin nila ang lahat at i-a-apply ang lahat ng natutunan mula sa kanilang training sa Japan at mula sa kanilang mga coach.


Sinabi naman ni Head Coach Shaq Delos Santos – ang laban kontra thailand ay magandang panimula para sa kanila.

Naniniwala rin si Delos Santos na malaki ang naging improvement ng national squad sa kanilang naging training camp sa Japan.

Binigyang-diin naman ng mentor na kasabay ng hiling nila na sana ay magawa nilang maayos ang kanilang performance, hindi umano dapat maisantabi na dapat ay i-enjoy din nila ang laban.

Magaganap ang laban ala-1:30 ng hapon (Manila Time) sa Gelora Bung Karno Volley Indoor.

Facebook Comments