ASIAN GAMES | "Quality big men" – sapat na para tapatan ang ibang teams – ayon kay coach Guiao

232

Manila, Philippines – Para kay head coach Yeng Guiao, sapat na ang matatangkad na players sa koponan ng bansang lalahok sa darating na Asian Games sa Indonesia.

Mapalad na aniya ang national team na nakasama sa line-up sina JP Erram at ang Filipino-German na si Christian Standhardinger na parehas na height na 6-foot-8.

Itinuturing ding “quality big men” ng koponan ang beteranong si Asi Taulava na may tangkad na 6-foot-9; Raymond Almazan, 6-foot-8 at si Beau Belga, 6-foot-5.

Kabilang naman sa roster ng Philippine team sina Maverick Ahanmisi, Chris Tiu, Gabe Norwood, James Yap, Stanley Pringle, Paul Lee, Don Trollano at ang mga Gilas cadets na sina Kobe Paras at Ricci Rivero.

Una nang sinabi ni guiao na ngayong Lunes ang unang araw ng kanilang pagsasanay para sa quadrennial multi-sport event.

Facebook Comments